happy new year !!!
oh, ano kumpleto pa ba mga daliri niyo? hehehe..
grabe new year dito.. dami pa din naputukan, sabi sa news mas madami ngayon compared last year, kakaawa yun mga bata sa hospital, merun pa ngang buntis natamaan ng ligaw na bala .. kahit gaano mag warning ang government , matigas pa din ulo ng mga pinoy.. hayy..
we had a blessfull year ender worship service last sunday..though, konti lang un mga nagsimba (kasi lahat nagsiuwian na sa province, or un iba busy na magprepare for the meganoche) pero nakakatuwa kasi un leading.. its an informal actually.. parang kadugtong ng prayer meeting last time.. after the praise and worship.. the presider told us to think of God's blessings in our life sa 2006, tapos if were ready to share it sa congregation we may go in front and testify..
nakakatuwa at salamat sa Lord, may mga youth ng tumayo para magpasalamat lalo na yun 2 visitors sa Convention (sina nookie and jason - mga barkada lahat ni mon mon - sila un tumugtog sa composition niya nun hindi pa kami dumating).. kitang kita ko talagang nagenjoy sila dun.. grabe! pareho nga pala silang napunta sa heaven nun nag life line activity! kakatuwa .. kung si carlo ang fruit ng convention noon nakaraang camp ngayon dalawa naman papuri sa Panginoon! hope talagang matutukan namin sila sa team.. kasi pareho silang musicians..
fyi and goodnews! hindi man tayo nanalo sa overall ng MYMP , Mon got naman the Compositor of the year award hehehe.. galing! at nagspecial number pa sila nun sunday!
proud na proud xempre ang mga ate at kuya heheehe..ang gagaling ng mga entries .. panalo talga! ang naguwi ng platinum album ay ang Valenzuela youth!! at sobrang ganda din naman talaga ng collaboration nila.. ok ang lyrics tugmang tugma sa Camp.
handa ka na ba sa mahabang nobela? hehehe ..
sumunud kaming mag Young prof nun friday dun .. grabe! hirap magcommute lalo na't binitbit pa namin ang base guitar at amplifier nun kasi they forgot to bring it.. as in! imagine! jologs nga kami - ako may dala ng 2 microphones, si ate elfa naman un mga wires , jr dala niya un base guitar niya tas sila kuya boyong and tanie bitbit ang ampli hahaha .. buti na lang din sinundo kami ng L300 sa laguna pagbaba namin ng bus.. grabe! its all for His glory!
grabe din ang youth natin kasi active sa lahat ng games.. buti naman at they were distributed sa ibat ibang team colors .. kaya iba ibang youth from other churches sila nakapagbonding , nakakatuwa kasi lahat naman sils nagenjoy sa mga games and sessions.. un mga other youth na shy dun ko nakita na may mga new found frends na sa ibang mga churches , lahat sila enjoy sa company ng bawat isa.. ang daming mga outdoor and indoor activities kaya hindi ka mabobored.. kung noon mga dating camps - may mga campers na nagsstay sa dorm para matulog nakuh ngyon wala kang makikitang tambay kasi lahat sila nagparticipate kasi nga group effort talaga! kita mo lang un mga naglaro ng war games sa putikan hehehe .. at ang best frend glenis ko grabe! bigay todo! leader nga pala xa ng Yellow team hehehe .. sobrang siya din nagenjoy at sikat na xa .. dami ng nakakakilala sa kanya hehehe..
after noon mga games, hindi pa nakuntento ..as in lahat lumusong sa pool para magswiming nun freetime..sayang hindi kami nakaligo kasi wala naman kaming dalang extra damit kala din kasi namin balik din kami manila.
sobrang nakakabless din un mga speakers (Pastor Silver, Pastor Daniel, Pastor Rafael) kakachallenge lalo na un commitment service.. naiyak kami nun nakita namin maraming mga youth nagforward sa invitation.. then after nun naglaro kami ng "life line" its a game na nasimulan last camp '05 .. challenge yun sa mga christians if what's like / decision whether you go sa hell or heaven.. blind folded and hawak hawak ang bible at be sure na mabantayan mo yun , hindi mo papakuha kasi pag nakuha automatic sa hell ka punta .. sayang hindi ako nakasali kasi that time nagbabantay ako ng mga may sakit (correct! tatlo ang nilalagnat na Fort Youth! kapatid ko si ruth, rozane, ronnie) pero nagparticipate pa din naman ako, kasi kami yun mga kumukuha ng bible sa mga girls.. kumbaga nagdedecieve sa kanila sa short cut way.. madami silang hurdles na madadaanan while nakablindfold - outdoor yun, sa field namin ginawa habang gabi tsaka parang mejo paulan pa nga nun eh..may mga parang tulay at butas silang tatalunin .. madami din kaming nag act na deceivers dun un mga youth pastors and un mga other youth an nakaexperience na nun last convention.. pati xempre mga good angels din - paano mo naman malalaman na sa heaven punta? may mahahawakan kang kahoy (symbolizes na cross)- tapos dapat ang script mo - "is that you Jesus?" at pag sinagot ka ng - " well done, my good and faithful servant" sa heaven ka mapupunta.. yun iba kahit na nahawakan na yun kahoy parang nagdodoubt pa din na magtanong .. un iba naman nakalimutan nila un sasabihin, yun iba naman sure na .. hayy! basta ang saya! kita ko yun mga youth na napunta sa hell may mga nagiyakan, pero may mga nagdedeal na pastor naman sa kanila.. pinapaclear na its just a game - an awakening to persevere with the faith.. after that, nagkaron ng fellowship while nagbonfire ..processing and sharing time na din sa naexperience nila lalo na sa mga new comers, doon i believe talagang nagdeal ang Lord! may activity pa na isulat sa paper yun mga sins na i-aask ng forgiveness sa Lord even yun mga hurts and confusions na nabuildup na naghihinder sa pagrow with God.. then after wards , ipinagpray at sabay sabay na sinunug sa bonfire (as a symbol na kinalumutan na yun) life changing experience na dapat.
we stayed awake until 3am na ata, kasi nga last activity na din naman yun (uwian and awardings na kasi kinabukasan) kaya super bonding talaga! everyone may kanya kanyang grupo.. kakatuwa kasi ibat' ibang youth from other churches ang mga magkakasama .. kami ang bonding namin.. magkakasama yun mga praise and worship teams ng ibang churches - parang mini-band session kasi may mga may hawak ng guitars and sound box .. tapos kung ano ano tinutugtog nila at kami naman kumakanta .. sila pastor stanley ang may pakana nun.. nun una mga r&b , love songs lang tinitipa nila tas nun mejo nagfade .. we started singing some praises yun mga song ng united, mercy me - tapos some worship songs na .. kakabless kasi galing nga collaboration .. imagine as early morning as that, nagwoworship na kami sa Lord!
whew!! sorry sa nobela .. daming updates eh.
kayo naman magkwento diyan hehehe..
pictures to follow .. kukunin ko pa yun cd tonyt . for the meantime, pls just check our blogspot .. for initial viewing okies ..
Godbless,
rolitess
Monday, January 01, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment